Thursday, October 18, 2018

Teachers can change lives with just the right mix of chalk and challenges


 "National Teachers' Month" ngayong taong 2018. Ito ay nagbibigay ng pugay sa kontribusyon ng mga gurong Pilipino sa kinabukasan ng kanilang mga estudyante, sa kabila ng mababang pasahod at kaunting benepisyo na natatanggap nila bawat buwan. Ang ating mga guro ay may kanya-kanya mang estilo sa pagtuturo ng mga aral at konsepto sa kanilang estudyante, ngunit sa huli, iisa lang ang kanilang layunin. Ito ay ang mapausbong ang kaalaman ng kanilang mga estudyante, hindi lamang sa teknikal na mga kaalaman kundi pati sa kabutihang asal na mababaon nila hanggang sa kanilang paglaki.


Kaya naman marapat lamang na bigyan ng paggalang at pasasalamat ang ating mga guro pagdating ng panahon na tayo ay umasenso na rin sa hinaharap. Ang ating kinabukasan ay utang na loob natin sa ating mga dakilang guro.


Nararapat lang na bigyan ng pugay ang ating mga guro para sa mga sakripisyo nila araw-araw para sa atin, sa kabila ng kanilang mababang sweldo. Pasalamatan na rin natin sila ngayon para sa magiging epekto ng kanilang pagtuturo sa paglago ng ating kinabukasan. 





No comments:

Post a Comment

Reflection

The process of learning photoshop and working with digital photographs was a good learning experience.  It was not too difficult, but it ch...