Friday, December 7, 2018

Technology is a useful servant but a dangerous master


Napakalaking papel ang ginagampanan ng gadgets sa pang araw-araw na buhay ng makabagong tao. Napakarami nang nagagawa ng computers ngayon, at halos lahat yata ng gawain ay mayroon nang paglahok ng smarthphones.

Natatawang isipin na napapadali at napapagaan ang maraming mga gawain ng tao dahil sa mataas na antas ng mga teknolohiyang ito. Lalong lumiliit ang mundo, hindi na mahirap mawalay sa mga mahal sa buhay. Nakatutuwa ring asahan kung ano pang pag-usad sa teknolohiya ang madiskubre sa darating pang mga taon.

Ngunit sa kabila ng maraming kabutihang naidudulot ng gadgets sa ating buhay, kapag hindi sila ginamit sa tama, nagiging dahilan din ang paggamit nito upang maging magkalayo ang mga tao. May mga pag-aaral ding nagsasabi na nagiging sanhi ang mga ito ng pagbabago ng pag-uugali ng mga tao at ilang mga sakit din. Kaya naman mahalaga ang mapanuring paggmait ng gadgets. Sa ganitong paraan, napapakinabangan natin ang magagandang naidudulot ng gadgets. Nagiging daluyan din ito ng maganda at mapagkalingang sa pamilya at kapwa, sa halip na ito ay mahing dahilan ng pagkawatak-watak.

Importanteng hakbang dito ay ang palaging pagtsek sa sarili. Nasa tama pa ba ang paggamit ko ng gadgets? Nakakatulong pa ba ito sa mg gawain at relasyon ko? Nalilinang pa ba ang  pagkatao ko?

No comments:

Post a Comment

Reflection

The process of learning photoshop and working with digital photographs was a good learning experience.  It was not too difficult, but it ch...