Thursday, August 2, 2018
Wika ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon
Tuwing buwan ng agosto ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika. Ang paggamit ng wika sa pagtuturo ay malaking bagay upang madaling maintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang mga asignatura. Wika ang pinakamagandang regalo ng maykapal sa atin. Ito ang ugnayan natin sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon, at maging ang puong maykapal.
kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mga tao, paano kaya mapabilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano mapapalapait ang tao sa isa't-isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang pagsenyas, pagguhit, ang ingay o anumang paraang maaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan . Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang WIKA.
Wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga nalikom na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan at maging sa larangan ng siyensya o iba pang disiplina. Naipadaram ng wika ang damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng pag-iisip, ang halaga ng katwiran, ang nakapaloob na katotohanan sa isang mabuting intensyon at marami pang-iba. Kung kaya't pahalagahan parin natin ang ating wika dahil ito'y mahalaga at importante sa atin dahil ito'y bigay mismo ng puong maykapal
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Reflection
The process of learning photoshop and working with digital photographs was a good learning experience. It was not too difficult, but it ch...
-
What are the requirements for adequate nutrition? Ask yourself if the nutrition you get is enough everyday. Proper nutrition is a very...
-
Ilocos Sur National High School Vigan City The Honorable Rodrigo Duterte President Malacanang Palace Dear Mr. President: I am a st...
-
One of the most significant in the Philippine's history is Independence Day because it marks the nation's independence from t...
Nice, Keep up the good work:>
ReplyDeleteYiehhh!Job well done Mariel
ReplyDeleteIsa kang magaling ma manunulat!
ReplyDelete